UNEXPECTED
Storyang nakakagulat
Mga mata’y dapat na imulat
Sa mga tsismis na baka kumakalat
Sana sekreto’y wag mabuklat.
Masakit sa damdamin
Ng kanyang aminin
Sekretong kaytagal na inilihim
Noo’y nakakubli sa dilim.
Kung titingnan mo’y parang rosas
Kagandaha’y di kukupas
Kapag ika’y nga nama’y minalas
Mapapako natitirang alas.
Pulang rosas na ibinigay
Naging itim ang kulay
Bakit kaya ganon ang kanyang inialay
Kalooban ba nya’y hindi tunay?
Kayhirap isipin
Kayhirap ding intindihin
Pusong walang tagubilin
Lahat ng gusto’y susundin.
Pagmamahalang inilihim
Nagtatagpo sa gitna ng dilim
Pagmamahalang inilihim
Bawat araw pumapailalim.
Mga labi’y naglapat
Nagkatampi mga balat
Katawa’y nagkadikit
Di napigilang ito’y mag-init.
Sa kamang kinahihigaan
Hinahanap saplot ay nasaan?
Paghawak sa kumot at ilalin ng unan
Tunay na kaligayaha’y natagpuan.
Ito ay isang malaking kasalanan
Maikukumpara sa isang pagtatanan
Pag-iibigang walang naganap na kasalan
Kung hindi ititigil walang patutunguhan.
Sa Diyos dapat kumapit
Lalong lalo na sa oras ng pagkagipit
Malamang ni isa’y ala ng sasabit
Sa karanasang ubod ng pait.
Allimhj somar
Doha, Qatar
01/08/09
Please login or register
You must be logged in or register a new account in order to
Login or Registerleave comments/feedback and rate this poem.