"HA-GU-PIT"
Ang hagupit na ndi mo namamalayan
Tinitira ka na pala ng talikuran
At kung iyong pang papatulan
Masisira dangal mo’t kapurian.
Sa di inaasahan
Pangyayaring walang katuturan
Kala mo noo’y tunay na kaibigan
Makilala mo talaga tunay na katauhan.
Mahirap mang isipin
Pero kung kayang tiisin
Pag-uwi ng bahay wag madaliin
At masasamang salita’y wag ng banggitin.
Hagupit at kalbit
Magkaiba ngunit sa puso’y maiuukit
Makakaramdam ka ng pagkasakit-sakit
Sa karanasang ito na pagkapait-pait.
Hagupit dito, hagupit doon
Tira dito, tira pa doon
Saan nga ba hahantong?
Pag-iiwasang akala mo’y sasabog gulong.
Maliit na pinagmulan
Ugat nama’y hindi kalaliman
Sana wala ng sumbatan
At sana puso’y sibulan ng kapatawaran.
Sapagkat tayo’y tao lamang
May karapatang magalit
At di maiiwasang mang-gitgit
Sa mga naririnig mong panglalait.
Makakaasa kang ako’y iiwas
At alam kong ito’y di pa wakas
Kung ano man ang naiwanang bakas
Sana sa ating alitan wag kang tatakas.
Wala nman kumpetisyon
Kung meron mang suhesyon
At gusto mong magbigay ng leksyon
Hagupit mo ngayon bigyan mo ng aksyon.
Hagupit ng iyong salita
Hagupit ng iyong gawa
Hagupit sa iyong kapwa
Sana walang maging kawawa…..
Hagupit hagupit..ito ay hindi TAMA!!!
By: allimahj somar
12 October 2010 12:03 pm
Doha, Qatar
Bemco Office
Please login or register
You must be logged in or register a new account in order to
Login or Registerleave comments/feedback and rate this poem.