Umiyak ang PUSO
Umiyak ang PUSO
Pitong buwan ang lumipas
Akala ko ay hindi kukupas
Pagkakaibigan naming walang wagas
At aming samahang di magwawakas.
Pilin ko mang ungkatin
Mga istoryang naming nakakabitin
At para bang kayhirap unawain
Sa dami rami ng tanong diko alam kung ano ang pipiliin.
Puso ko ay sugatan
Mula nung ako’y kanyang iwanan.
Pagtalon ng puso ko, di ako tinantanan
Sumisigaw, umiiyak iyan ang bulong lagi sa aking isipan.
Dalawang linggong pangungulila
Aking lungkot idinaan ko nalang sa tula
Dahil sa kanyang pagkawala
Nasubok ko kung hangang saan ako dapat magtiwala.
Hindi ako dapat magdamdam
Dahil sa ngayon, wala siyang alam
Sa aking agam-agam
Kaibigan ko lamang, ang bukod tanging nakakaalam.
Sa sakit na kanyang naidulot
Mundo ko ayaw kong sa kanya lang umikot
Iniisip ko kapag ako’y nalulungkot
Na baka hanggang sa pagtanda ko’y diko sya malimot.
Puso ko’y patuloy na umiiyak
Pakiramdam ko’y laging itong binibiyak
Pilitin ko mang ako’y humalakhak
Aking lungkot pilit akong ibinabagsak.
Sa tulong ng aking mga kaibigan
Sa kwento ng kanilang nakaraan
Hindi ako dapat panghinaan
Dahil aking AMA may tunay na lalaking ilalaan.
Allimahj somar
Doha, Qatar
28/07/09
Please login or register
You must be logged in or register a new account in order to
Login or Registerleave comments/feedback and rate this poem.