Ikaw ba ay?
Ikaw ba ay?
Ikaw ba ay nabibilang sa mga nagmamahal?
Pwes kung ganun wag ka na lang umangal
Kasi hindi ka nakabilang sa taong matutumal
Na kung minsan walang lalaking nagtatagal.
Ikay ba ay nakaranas ng masaktan?
At pakiramdam mo ika’y pinaglalaruan
Ng isang lalaking walang paninindigan
Ni sarili nya’y di kayang alagaan.
Ikay ba ay naguguluhan?
Pagplaplano’t desisyon hindi mo malaman
Kung ganon kelangan mong pag-aralan
Bawat kilos mo dapat mong tutukan.
Ikay ba ay nag-aalinlangan?
Laman ng puso mo’y di nya dapat malaman
Pag-iwas nya’y hindi makatarungan
At kalokohan nya’y gustong matakasan.
Ikaw ba ay nahihirapan?
Ilabas ang tunay mong nararamdaman
Ipakita ang tunay mong kahalagahan
Ipamukha na hindi sya kelangan paghinayangan.
Ikay ba ay nalilihis ng landas?
Ayaw mo na bang balikan ang iyong nakalipas
Palagi ka nalang bang iiwas
At patuloy mong pagtatakpan ang bawat butas.
Ikay ba ay maraming katanungan?
Kung ano ba talaga ang kahulugan
Ng salitang Pagmamahalan
Na kahit kanino ba’y pede mong matagpuan.
Ikay ba ay gustong sumaya?
Pwes akin ikaw ay gumaya
Kayrami ko ng natamong biyaya
Nagmumula sa ITAAS walang humpay na ligaya.
Ikay ba ay?..Ikay ba ay?…ikay ba ay?
Katanungan kelangan ng gabay
Gabay na nagmumula sa KANYANG mahiwagang Kamay
Para sa ating ikatatagumpay at ipagpupugay.
Allinahj somar
Doha, Qatar
28/07/09
Please login or register
You must be logged in or register a new account in order to
Login or Registerleave comments/feedback and rate this poem.