Kung Maibabalik Ko Lang
Kay bilis lumipas ng oras
At ndi ko man lang namalayan
Ang bawat yugto ng nakaraan
Na kailangan mo na plang kalimutan.
Masasayang pangyayari sa ating buhay
Na patuloy nating nilagyan ng kulay
Na akala mo’y hindi mapaghihiwalay
Nino sino man sa ati’y walang sasablay.
Sadyang mapaglaro ang kapalaran
Tayo ay kanyang hinayaan
Na hindi magkapalagayan
Na akala nati’y katapusan.
Ilang araw ang ating pinalipas
At pinanindigang iyon na ang wakas
Kahit pilit nating umiwas
Unti unting tayong nawawalan ng lakas.
Sa gabi’y hindi makatulog
Ang dibdib ay laging gumagabog
Na parang bang sasabog
At akala mo’y laging kinakalog.
Pinilt kong ika’y iwan
Pinilit kong ika’y pakawalaan
Pinilit kong ika’y saktan
Pinilit kong lahat pero hindi ko nakayanan.
Kung maibabalik ko lng
Ang bawat kasiyahan
Kung maibabalik ko lng
Ang bawat tawanan, eh di sana walang ng paalaman.
Hindi pa huli ang kasalukuyan
Upang muling pagbigyan
Ang pusong dati’y duguan
Na ngayo’y labis ang kagalakan.
Allimahj Somar 10/06/09
Doha, Qatar
Please login or register
You must be logged in or register a new account in order to
Login or Registerleave comments/feedback and rate this poem.