TI-NGI by allimahj somar
Inangkin kitang parang akin
Noong nagtapat ka ng iyong saloobin
Ngunit kung iyong mamarapatin
Na ang puso ko’y wag munang sanang sungkitin.
Batid ko na meron kang pagtingin
Sa katulad kong may pagkamahiyain
Ngunit hindi mapigilan ang bugso ng damdamin
Upang hindi masabi sa akin ang iyong saloobin.
Alam ko na patuloy mong dinadalangin
Na naway sagutin
Ang iyong pagsamong ninanais makamit
Na at ang kanyang puso’y umawit.
Patuloy akong maghihintay
Sa nag-iisang saksing tulay
Na walang kamalay –malay
Na ang aking puso’y laging kumakaway.
Makita ka lamang sa loob ng isang araw
Ang mundo ko’y nagiging kulay bughaw
Na wari’y nasa kalangitan
At mga angel ang siyang kakulitan.
Dumaraan ang bawat panahon
Na para bang ako’y ndi na maiahon sa alon
At kung titingnan mo ako sa balon
Andun ang aking pusong patalon-talon.
Hinahanap hanap kita sa tuwi-tuwina
At ninanais ko’y ika’y aking makasama
Hinanangad ko rin ang iyong kasagutan
Para matigil na ang aking pag-aalinlangan.
Pangako mahal na ako’y maghihintay
At ang aking sarili at patuloy kong iaalay
At kahit kanino ako’y makikibagay
Sapagkay ang pag-ibig ko sayo’y walang kapantay.
Noong nagtapat ka ng iyong saloobin
Ngunit kung iyong mamarapatin
Na ang puso ko’y wag munang sanang sungkitin.
Batid ko na meron kang pagtingin
Sa katulad kong may pagkamahiyain
Ngunit hindi mapigilan ang bugso ng damdamin
Upang hindi masabi sa akin ang iyong saloobin.
Alam ko na patuloy mong dinadalangin
Na naway sagutin
Ang iyong pagsamong ninanais makamit
Na at ang kanyang puso’y umawit.
Patuloy akong maghihintay
Sa nag-iisang saksing tulay
Na walang kamalay –malay
Na ang aking puso’y laging kumakaway.
Makita ka lamang sa loob ng isang araw
Ang mundo ko’y nagiging kulay bughaw
Na wari’y nasa kalangitan
At mga angel ang siyang kakulitan.
Dumaraan ang bawat panahon
Na para bang ako’y ndi na maiahon sa alon
At kung titingnan mo ako sa balon
Andun ang aking pusong patalon-talon.
Hinahanap hanap kita sa tuwi-tuwina
At ninanais ko’y ika’y aking makasama
Hinanangad ko rin ang iyong kasagutan
Para matigil na ang aking pag-aalinlangan.
Pangako mahal na ako’y maghihintay
At ang aking sarili at patuloy kong iaalay
At kahit kanino ako’y makikibagay
Sapagkay ang pag-ibig ko sayo’y walang kapantay.
Please login or register
You must be logged in or register a new account in order to
Login or Registerleave comments/feedback and rate this poem.