MADALING ARAW
Naalala ko ang isang nakaraan
Habang ako ay nasa loob ng aking sasakyan
Tumingin ako sa likod at harapan
Kaydilim na pala ng kapaligiran.
Nagmamadali akong umuwi
Upang ang pagod ko'y mapawi
Sa hindi inaasahan pangyayari
Ako pa yata ay kanyang mayayari.
Habang ako ay nasa loob ng aking sasakyan
Tumingin ako sa likod at harapan
Kaydilim na pala ng kapaligiran.
Pumunta lamang ako sa aking kaibigan
Upang makipagkwentuhan
Hindi ko namalayan
Ang takbo at pitik ng orasan.
Sa traffic light hindi ko inaasahan
Isang lalaki na naka TOYOTA Landcruiser na sa wari ko'y PATAN
Sumisitsit saken na tila'y may kailangan
Kanyang mata sa aki'y tinamaan.
Upang makipagkwentuhan
Hindi ko namalayan
Ang takbo at pitik ng orasan.
Sa traffic light hindi ko inaasahan
Isang lalaki na naka TOYOTA Landcruiser na sa wari ko'y PATAN
Sumisitsit saken na tila'y may kailangan
Kanyang mata sa aki'y tinamaan.
Nagmamadali akong umuwi
Upang ang pagod ko'y mapawi
Sa hindi inaasahan pangyayari
Ako pa yata ay kanyang mayayari.
Sa pagkamalas-malas
Muntik muntikan ng mawala ako sa aking landas
Dahil gusto kong umiwas
Lalong lalo na sa taong ito na may pagka-balasubas.
Ako'y labis na pinagpawisan
Habang ako'y kanyang sinusundan
Sa daan ako'y kanyang iniilawan
Kanyang isip iba't iba ang laman.
Lalong lalo na sa taong ito na may pagka-balasubas.
Ako'y labis na pinagpawisan
Habang ako'y kanyang sinusundan
Sa daan ako'y kanyang iniilawan
Kanyang isip iba't iba ang laman.
Ako ay sobrang pinagpawisan
Habang ako'y kanyang sinusundan
Inisip kong PULIS ay tawagan
Upang ako ay kanyang matulungan.
Mobile ko aking hinawakan
QTEL signal hindi ko matagpuan
Panginginig ng aking katawan ndi ko na mapigilan
Aking saklolo nasaan?
Ako ay labis na kinabahan
Hanggang marating ko ang harap ng aking tahanan
Hindi ko alam kung paano ko sya tatakasan
Dahil siya ay nasa aking likuran. (takot ako!)
Nakakapangilabot mang isipin
Maluwang na kalsada pinilit kong tawirin
Upang hindi nya ako mapansin
Ako ay tumakbo ng sobrang tuling.
Nung marating ko ang aking higaan
Akala ko pakiramdam ko ay gagaan
Pero mga pangyayari'y hindi mawala sa aking isipan
Bibliya ko ang syang aking hinawakan..
Ako ay pumikit at nanalangin
Pangalan NYA pilit kong sasambitin
Nawa panalangin ko'y Kanyang dinggin
Sapagkat pag-uwi ng madaling araw ay di ko na uulitin.
Ako'y mayroong natutunan
Pag-uwi pala ng madaling araw di dapat kawilihan
Umuwi sa tamang oras ng uwian
At huwag na huwag ng magpapaumaga sa daan.
Salamat sa aking naging karanasan
Dahil alam kong lahat ng ito'y may dahilan
Ito ay para sa aking kabutihan
Alam kong namang hinding hindi NYA ako pababayaan.
allimahj somar
doha, qatar
25/07/09
Please login or register
You must be logged in or register a new account in order to
Login or Registerleave comments/feedback and rate this poem.