Kahit Wala Ka Na
Patuloy parin ang pusong ito
Patuloy paring magmamahal sa’yo
Pag-awit at pagsamba
Mananatili dito sa puso ko.
Ikaw lamang Ama
Ay siyang magiging gabay ko
Sa bawat oras na nag-iisa
Ikaw ang aakay sken patungo sa’yo.
Mamahalin kita ng higit pa sa buhay ko
Mag aalay ako ng taos sa puso ko
Magpakailan ikaw lamang ditto sa buhay ko
Paglilingkuran kita gamit ang aking lakas na nagmumula sa’yo.
Ibubuhos ang aking oras
Iaalay aking buhay
Iibigan kita ng walang humpay
Ipaglalaban ko kung anong tunay.
Ikaw aking Ama
Ang kasama ko sa twi’na
Sa oras ng aking pag-iisa
Ako’y niyapos mo ng walang dusa.
Kahit wala kana
Magiging matatag ako sinta
Sa aking landas
Di ko na hahayaang ako ay madulas.
Aawitan kita Poong Mahal
Awiting kaysarap sa tenga
Sasayawan kita
Ng mga tugtuging mapapa cha-cha.
Kahit wala ka na..alam kong hindi ako nag-iisa!
Mahal kita aking AMA!
Allimahj somar 09/06/09
Please login or register
You must be logged in or register a new account in order to
Login or Registerleave comments/feedback and rate this poem.