Hala Ka
Palingon-lingon sa paligid, naghahanap.
Pasulyap-sulyap, umaasang matatagpuan.
Pinipigilan ang luha kahit gusto nang umiyak.
Nagaabang. Naghihintay. Umaasang magbabalik…
Magtatanong sa kaibigan, nakita mo ba?
Iba-ibang reaksyon ang matatanggap.
"Pinabayaan mo kasi, nawala tuloy sayo."
"Kawawa ka naman, ok ka lang?"
Pilitin mang ibalik ang nakaraan.
Itama ang nagawang pagkakamali.
Manalangin mang paulit-ulit.
Mangako na hindi na mauulit.
Wala...
Hindi na mababago ang katotohanan.
Masaklap man ay kailangang tanggapin.
Nanghihinayang. Nagsisisi.
Hindi na alam kung ano ang dapat gawin.
Paano na?
Wala na ang cellphone ko...
Pasulyap-sulyap, umaasang matatagpuan.
Pinipigilan ang luha kahit gusto nang umiyak.
Nagaabang. Naghihintay. Umaasang magbabalik…
Magtatanong sa kaibigan, nakita mo ba?
Iba-ibang reaksyon ang matatanggap.
"Pinabayaan mo kasi, nawala tuloy sayo."
"Kawawa ka naman, ok ka lang?"
Pilitin mang ibalik ang nakaraan.
Itama ang nagawang pagkakamali.
Manalangin mang paulit-ulit.
Mangako na hindi na mauulit.
Wala...
Hindi na mababago ang katotohanan.
Masaklap man ay kailangang tanggapin.
Nanghihinayang. Nagsisisi.
Hindi na alam kung ano ang dapat gawin.
Paano na?
Wala na ang cellphone ko...
Please login or register
You must be logged in or register a new account in order to
Login or Registerleave comments/feedback and rate this poem.